Latest NewsNewsTFT News

Mayor ng Calbayog City sa Samar, patay sa ambush

Kinumpirma na nga ng Police Regional Office Region 8 (PRO-8) at ng Calbayog City Public Information Office ang pagkamatay ni Calbayog City, Samar Mayor Ronald Aquino ngayong araw.

Bukod sa alkalde may dawala pang iba na napaslang sa naganap na ambush.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa PRO-7, nangyari ang pamamaril bandang alas 5:30 ng hapon sa Laboyao Bridge, Barangay Lonoy.

Sa ulat naman ng Aksyon Radyo Calbayog, hindi pa ipinalabas ang pangalan ng dalawang napaslang na kasama ng alkalde nung mangyari.

Dagdag naman ni Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana, ang tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), na inatasan na si PRO-8 Regional Director Police Brig. Gen. Ronaldo De Jesus na magsagawa ng masusing imbestigasyon tungkol dito.

“We will keep the public informed at the soonest possible time,” ang dugang nga pahayag ni Usana.

Sa isa pang report mula sa Philippine Star, isang motorcycle riding-in-tandem ang nagpaulan ng putok sa puting van na sinakyan ni Aquino at ng kaniyang tatlong bodyguards. (ES)

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button