Isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa UAE na nagpositibo sa COVID-19 kahit na dumaaan ito sa quarantine at PCR test.
Ayon sa report ng Inquirer, umuwi ang OFW mula sa UAE noong Pebrero 22. Bukod sa mandatory quarantine sa Metro Manila, negatibo naman ang resulta ng PCR test nito.
Pero sa kanyang pag-uwi sa Castillejos, Zambales, nag-iba ang pakiramdam ng 31-anyos na OFW. Nilagnat sya at unti-unting nagpakita ng iba pang sintomas ng COVID-19 tulad ng sipon.
Nang muling sumailalim sa PCR test, nagpositibo na sya sa coronavirus. Kasalukuyang nakamonitor ang Barangay Health Emergency Response Teams sa kanyang kondisyon.
Nasa mahigit 950 na ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan pero karamihan sa mga ito (916) ang nakarecover na. Nasa 22 naman ang naiulat na nasawi.