FAQ: Ano po ang gagawin ko kung nagbabakasyon ako ngayon sa Pilipinas at kailangan ko ngayong bumalik sa UAE?
Sagot: Naglabas ng bagong anunsyo ang UAE Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation na simula ngayong alas dose ng tanghali Marso 19, lahat ng may valid visa pero nasa labas ng UAE ay hindi na muna papayagang bumalik sa UAE.
Dalawang linggo ang itatagal ng suspension na ito at maaari itong ma-renew, depende sa mga kaganapang may kinalaman sa COVID-19.
UPDATE 2: Naglunsad na ang UAE ng opisyal na website na tinatawag na ‘Tawajudi for Residents’ kung saan mailalagay ng mga residente na may valid visa na hanggang ngayon ay nasa labas pa ng bansa ang kanilang mga detalye para ligtas silang makabalik sa bansa sa panahon ng mga emergencies.
Ang naturang website ay bahagi ng Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation bilang tulong para sa mga inabutan ng kautusan na hindi muna papayagang makabalik ng bansa ang mga may valid residence visa simula March 19.
Narito ang website para sa mga may valid residence visa: https://www.mofaic.gov.ae/en/Services/Twajudi-Resident
UPDATE: Naglunsad na ang UAE ng opisyal na hotline maaaring tawagan ng mga may valid residence visa na nasa labas pa ng bansa. Maaaring sumangguni ang mga may valid residence visa, at maging ng kanilang mga kamag anak sa 24/7 hotline ng UAE sa numerong ito: 0097124965228 para sa kanilang mga katanungan at para matulungan sila lalong lalo na para sa mga humanitarian at emergency cases para masiguro ang kanilang ligtas na pagbabalik sa UAE.
Hinihikayat ang mga may valid visa na makipag-ugnayan sa UAE Embassy sa Taguig para matulungan sila sa kanilang mga karagdagang tanong.
Address ng UAE Embassy:
16th Floor, Commerce and Industry Plaza (CIP) building
1030 Campus Corner Park Avenues
Mckinely Town Center, Fort Bonitfacio, Taguig City
Telepono:+632-88221777
Fax: +632-555-1843
Email: [email protected]