Uncategorized

PHP69 million Super Lotto 6/49 jackpot napanalunan ng taga Pampanga

Isang maswerteng mananaya sa Pampanga ang nakasungkit ng PHP69-million jackpot prize ng Super Lotto 6/49 nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito na ang ika-limang pagkakataon sa buwang ito na may nakasungkit ng lotto jackpot prize.

Tinamaan ng lucky better ang kombinasyong 13-28-07-31-34-24.

Ayon sa PCSO, sa Porac, Pampanga tumaya ang maswerteng nanalo.

Samantala, 35 iba pa ang nakatyempo ng lima sa 6-digit combination. Mag-uuwi sila ng tig-PHP50,000.

Nito lang Martes, isang taga Las Piñas naman ang nanalo rin ng PHP8 million Lotto jackpot.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button