Nag-viral sa social media kamakailan ang video kung saan hinahakot na ng taga-National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pekeng bag na binebenta sa isang Flive stream sa Facebook.
Napagalamang inireklamo ng ilang mga nakabili ng mga bag na hindi original at mahal masyado ang presyo ng mga bag na binebenta na nagkakahalaga ng Php 12,000 hangang Php80,000.
Ayon sa ulat ng philnews.ph, ang kinuha lamang ng mga otoridad ay mga pekeng bag na may tatak na Louis Vuitton.
Ilan sa mga netizens ay naawa dahil sa naganap na raid na nataon sa livestream. Ang ilan naman ay sinasabing hindi makatarungan ang preyso ng binebenta ng naturang seller dahil peke naman ang binebenta nito.