Latest NewsNewsTFT News

Naagnas na katawan ng isang babae sa Cagayan, natagpuan

Photo credit: Cagayan Provincial Information Office 

Isang naagnas na bangkay ng isang babae ang natagpuan sa isang kagubatan sa Barangay Casagan sa Sta. Ana, Cagayan.

Ayon kay Police Lt. Col. Andree Abella, tagapagsalita ng Cagayan Valley police, wala pang pagkakakilanlan sa ngayon ang babae na may suot na maong na pantalon at pink na t-shirt na may nakalagay na “We Make Change Work for Women”.

Maaaring maging susi din ang kanyang suot na t-shirt para siya ay makilala, ayon sa naging ulat ng Cagayan Provincial Information Office.

Ayon naman sa report ng Police Regional Office 2, naireport ang pagkakadiskubre ng bangkay bandang 11:00 ng umaga noon Pebrero 26 nang magawi ang ilang residente sa lugar na nakita ang bangkay.

Bandang alas 2:30 ng hapon na ito naireport ni Casagan Brgy. Capt. Jeorge Casagan.

Nakuha na ang kaniyang katawan ng Sta. Ana Police at dinala sa rural health unit upang maisailalim sa autopsy, ayon kay Police Major Ronald Balod, ang hepe ng Sta. Ana police.

Nanawagan naman ang otoridad sa publiko na kung may nawawala man silang kaanak ay agad na makipag-ugnayan sa Sta. Ana police station. (ES)

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at editorial@filipinotimes.ae

Related Articles

Back to top button