Sa selda ang bagsak ng isang 30-anyos na babae mula sa Africa na nahuling nameke ng immigration stamp sa kanyang passport.
Papaalis ang babae sa Dubai ng matuklasan ng immigration officer na peke ang nakatatak na ‘arrival’ stamp.
Ayon sa mga otoridad, maaaring ginawa ito babae para makaiwas sa kuwestiyunable nyang pag-overstay sa emirate.
Segundo lang ang binilang para ma-detect ng immigration officer na hindi tunay ang stamp.
Inindorso ng mga otoridad ang kasong forgery sa public prosecution laban sa babae.
Maaaring syang maharap sa 3 buwan hanggang 1 taong pagkakakulong bago ipa-deport.