Latest NewsNewsTFT NewsUncategorized

Magkapatid na Emirati, patay matapos tumaob ang kotse sa daan

RAK Police

Patay ang dalawang magkapatid na Emirati, edad 27 at 17, matapos tumaob ang kanilang sasakyan sa Emirates Bypass road sa Ras Al Khaimah, Huwebes ng hapon.

Sa tindi ng aksidente, dead on the spot ang isa sa magkapatid. Naitakbo pa ang isa sa ospital pero agad din syang binawian ng buhay.

Ayon sa Ras Al Khaimah Police, posibleng nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver.

Dahil sa biglaang pag-iiba ito ng direkyon, dagdad pa ang mabilis na takbo, paulit-ulit na tumaob ang sasakyan hanggang sa gilid ng kalsada.

Halos mawasak ang kotse dahil aksidente. Pirat ang bubungan at basag ang mga bintana at sunroof.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button