News

Lalaking hinahabol ng aso, todas nang mabundol nang kotse

Nasawi sa mismong araw ng kanyang kaarawan matapos mabangga ng sasakyan ang isang lalaking kumakaripas ng takbo para takasan ang isang aso sa Brgy. Holy Spirit Quezon City.

Mag-aalas dos ng madaling araw, lumabas ang biktimang si Joshua Cabag, 20, kasama ang tatlong kaibigan para bumili ng mga pagkain at ipagdiwang ang kanyang kaarawaan.

Kita sa kuha ng CCTV ang aktwal na paghabol ng isang nakawalang  aso sa magkakaibigan.

Sa takot nilang makagat, tumakbo sila papalayo hanggang marating ang kanto. Pero doon na naganap ang aksidente.

Hindi man lang huminto ang driver ng sasakyan para tulungan ang pobreng lalaki na tumilapon kalsada dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Sa Quezon City General Hospital binawian ng buhay si Cabag.

Pinaghahahanap ang drayber at iniibestigahan parin ang aksidenteng kumitil sa buhay ng binatilyong nag-aaral sa Batangas.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button
Close