News

Lalaki sa Abu Dhabi patay matapos tumaob ang kotse nang makipagbarilan sa pulisya

Isang binatilyo sa Abu Dhabi ang hindi na nagisnan pa ang pagsisimula ng bagong taon matapos tumaob ang minamanehong kotse sa Al Ain, bandang 5 ng madaling araw noong Disyembre 31.

Unang napansin ng Abu Dhabi Police patrol ang humaharurot na takbo ng kanyang kotse kaya’t sinundan nila ito.

Sa halip na huminto, nakipag-unahan pa sa highway ang binatilyo, ayon sa report ng Khaleej Times.

Ilang minuto ring tumagal ang habulan ng sasakyan ng pulisya at ng lalaki. Hanggang sa magpakawala ang mga pulis ng dalawang warning shot para subukan syang pahintuin.

Laking gulat nalang ng mga awtoridad nang magpaputok din ang binatilyo at barilin ang kanilang patrol car.

Ilang sandali pa, ibinangga ng binatilyo ang kanyang kotse sa patrol, dahilan para tumaob ang kanyang sasakyan.

Agad syang dinala sa pinakamalapit na pagamutan dahil sa tinamong mga sugat.

Sa kasamaang-palad, idineklarang patay ang binata kinaumagahan, Enero 1.

Nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ang Abu Dhabi Police General Command.

Bilin ng pulisya sa mga magulang, bantayang mabuti ang kabataan lalo na’t dumarami ang bilang ng ‘underage drivers’. Gayun din ang mga kabataang inilalagay ang sarili sa peligro dahil sa mga mapanganib na driving stunt sa kalye.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button