News

Holdaper sa Dubai, itinago sa singit ang nakulimbat na mga alahas

Pumalag sa isinampang kaso laban sa kanila ang apat na miyembro ng isang robbery-holdup gang na natiklo ng pulisya sa Dubai noong Setyembre 2018.

Mariing itinanggi ng apat na suspek ang kwento ng mga biktima na tinutukan sila ng patalim saka itinali at paulit-ulit na pinagsasasampal. Pwersahang pinahubad ng mga suspek ang mga suot nilang alahas.

Nangyari ang insidente sa loob ng kanilang flat sa Dubai nang pasukin sila ng apat na kalalakihan bandang 11 ng gabi, ayon sa ulat ng The National.

Tinangay rin ng mga suspek ang mga cellphone ng mga biktima. Pero bago sila tuluyang maka-eskapo papalabas ng gusali, napigilan ng gwardya ng flat ang isa sa mga suspek.

Nahuli ang kanyang mga kasamahan makalipas ang dalawang araw.

Nang madakip ang tatlong iba pa, laking gulat ng pulisya nang madiskubre ang ilang alahas na nakabalot sa isang plastic na nakasiksik sa singit ng isang suspek.

Nakatakda ang susunod na hearing sa Enero 7.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button