News

Anak ng OFW, patay matapos pukpukin ng martilyo sa ulo at saksakin sa katawan

Patay ang dalagitang anak ng isang overseas Filipina worker (OFW) matapos paulit-ulit na pagsasaksakin sa katawan at pukpukin ng martilyo sa ulo.

Ayon sa GMA News, wala nang buhay ang labingwalong-taong gulang na dalagita na taga Davao Occidental na kinilalang si Jane Masucol. Nakita syang nakahandusay at duguan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mamacao, Sta. Maria.

Nagtamo ang biktima ng 20 saksak sa katawan bukod pa sa mga sugat na kanyang nakuha mula sa pagpukpok ng martilyo sa kanyang ulo.

Kinilala ang suspek bilang si Wangyo Tribunal na agad na naaresto matapos ang krimen.

Paniniwala ng pamilya ng biktima, tinangkang halayin ang dalagita na itinanggi naman ng suspek.

Ayon kay Tribunal, tinangka lamang niyang takutin ang biktima gamit ang kutsilyo matapos siyang pagbintangan na magnanakaw ng manok.

Dahil sa trahedya, uuwi ng Pilipinas ang OFW na ina ng biktima.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button