Lifestyle

Makisig Morales is back with his buff body!

Makisig Morales is living up to what his name means as he showed off his buff body on Instagram.

Marami ang nagulat kay Makisig nang i-post niya ang kanyang litrato sa Instagram dahil karamihan sa mga netizens ay naaalala pa rin siya bilang “Super Inggo”.

Reminder ito sa fans na hindi na sya bata lalo na’t limang taon na rin palang tumatakbo ang kanyang relasyon sa nobya.

Makisig currently plays Dumakulem in ABS-CBN’s new fantaserye, “Bagani”.

Inilahad din ni Makisig na naghanda siya para sa proyektong ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng arnis.

Kitang-kita naman sa katawan ng aktor na superhero material na ulit sya. Konti pa at siguradong pag-aagawan syang mula ng kabi-kabilang soap opera. Iba ang appeal nya sa masa.

Parang kailan lang nung makita natin sya sa guesting nya sa GGV. Payat na payat pa sya noon. Malayong-malayo kung ikukumpara sa kasabayan nyang si Sam Concepcion.

Pero kabog sila! Ang maganda kasi sa pagbabalik ni Makisig, any moment na gustuhin nyang magpahinga uli sa showbiz at samahan ang kanyang pamilya sa Australia, makakabalik sya doon.

Nagtapos lang naman ang binata ng culinary arts sa ibang bansa! International chef ang arrive, di ba? Bongga kasi may-fallback ano man ang mangyari sa muli nyang pagsabak sa entertainment industry? Sa mundo ng showbiz hindi mo talaga masasabi kung kelan ka magagarahe. Kahit na gaano ka pa kasikat ngayon, pagbagsak mo sa lupa, aray!

Ilan sa kanila, napariwara ang buhay o kaya’y halos naghihikahos na rin ngayon.

Lamb masala curry. More like “this food is yummy! 🙂 (c) @procopio04

A post shared by Makisig Morales (@makisig228) on

Ang masasabi lang natin sa naging takbo ng career ni Makisig, isa syang tunay na bituin, di ba? Maganda rin ang ipanakitang asal ng batang ito noon. Professional at alam nya at ng kanyang pamilya na may “cut” ang role sa pinilakang tabing.

In fact, mismong ama pala ni Makisig ang nagpilit na mapetition silang sampung magkakapatid lahat sa Australia. Ooops! May addition pa ngayon, dahil nagdadalang tao nang muli ang kanyang ina sa ika-11 nilang kapatid!

Actor Polo Ravales is happily in love!

The hunk actor introduced his non-showbiz girlfriend, Paulyn Quiza, on national TV.

Sabi pa ni Polo, si Paulyn ang kanyang “unexpected love” dahil hindi niya inasahan na isang babae na tulad ng kanyang bagong girlfriend ang dadating sa buhay niya. Paano ba naman, may sinabi pala itong bago nyang nobya.

According to her Instagram account, Paulyn is a personal online trainer, functional training specialist, and a vice president for marketing for a placement company in Manila.

Kwento ni Polo nagkakilala sila isang araw pagkatapos noong nakaraang Pasko.

“December 25, I wasn’t feeling happy parang may kulang. Eh, nung time na ‘yon parang sinasabi ko na I’m single so I can date whoever. Umalis ako, kasama ko ‘yung friend ko na gay, lumabas at gumimik kami tapos nagkekwentuhan kami,” sabi ng aktor.

Dagdag pa nya “Sabi ko, ‘Parang sawa na ako mag-date, sawa na ako to be single.’ Gusto ko may deretso na talaga akong path. Tapos December 26, doon ko siya nakilala. Nung una ko siyang na-meet, iba na talaga ‘yung feeling, parang ang tagal ko na siyang kilala.”

Related Articles

Back to top button