Latest NewsNewsPH NewsTFT News

“Limang minuto lang po:” Benhur Abalos, taos-pusong nanawagan sa publiko

Courtesy: Benhur Abalos/FB

“Limang minuto lang po.”

Ito ang payak na hiling ng dating DILG Secretary at ngayo’y tumatakbong senador na si Benhur Abalos sa kanyang kapwa Pilipino.

Sa isang taos-pusong pakiusap sa mga Pilipino, naglabas ng video message si Atty. Benhur Abalos, kandidato sa pagka-senador, kung saan mapagkumbaba niyang inihain ang sarili sa taumbayan at humiling ng limang minutong oras para mas makilala siya nang mabuti.

“Ako po si Benhur Abalos. Limang minuto lang po, upang mas makilala ninyo ako,” aniya, habang bukas niyang ibinahagi ang kanyang kahandaang maglingkod—bagama’t batid ang bigat ng hamon, patuloy siyang kumukuha ng lakas at inspirasyon mula sa mga Pilipino.

“Mahirap man ang trabaho, nakahanda po akong magserbisyo para sa inyo. Kayo ang nagsisilbing lakas at inspirasyon ko sa laban na ito,” ani Abalos.

Serbisyong may karanasan at puso

“Ako po si Benhur Abalos,” aniya. “Bagama’t bago ang apelyidong ito sa Senado, hindi po ako bago sa pagsisilbi.”

Ibinahagi niya na sa loob ng higit 30 taon ay naglingkod siya sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno—mula Konsehal, Mayor, Congressman ng Mandaluyong, hanggang MMDA Chairman at DILG Secretary. Ngunit hindi ito ang kanyang gustong ipagmalaki. Sa halip, pinili niyang ibahagi ang mga aral at karanasang pinanday ng serbisyo sa taumbayan.

“Ramdam ko po ang bigat ng laban sapagka’t nagsimula po tayo sa laylayan. Wala tayong pangalan at wala tayong kamag-anak sa national politics,” aniya. “Subalit dahil po sa inyong tiwala at paniniwala, patuloy na lumalakas ang sigaw ng pangalan nating Abalos.”

Adhikaing nais maisabatas

Isa sa mga pangunahing layunin ni Former Interior Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ay amyendahan ang Rice Tariffication Law upang palakasin muli ang National Food Authority (NFA). “Papalakasin natin ang ahensya ng NFA para bumili na magandang presyo sa magsasaka ng palay at kaagad, kaagad ibenta sa publiko sa tamang presyo rin,” sabi ni Abalos.

Meralco bill istock
Paying electricity bills in the Philippines.

Bukod dito, isinusulong din niya ang pagbaba ng singil sa kuryente sa bansa sa pamamagitan ng pagbawas sa buwis na ipinapataw sa generation, transmission, at distribution charges, pati na sa system loss. “Dati po, hindi na po ako pumayag na malagyan ng buwis ito. This was 20 years ago nung ako isang congressman,” sabi ni Abalos.

“Ngayon po, after 20 years, pangalawa tayo sa pinakamahal na kuryente sa buong ASEAN dahil sa patong-patong na buwis: generation charge, 12%, transmission charge, 12%, distribution charge, 12%, at meron pang systems loss,” dagdag pa niya. Ayon kay Abalos, ito ay makatutulong hindi lang sa mga pamilya kundi sa pagpapalago ng negosyo at pagbibigay ng mas maraming trabaho.

Nais din niyang bigyan ng mas maraming pamilyang Pilipino ang pagkakataong magkaroon ng sariling tahanan—isang bagay na matagumpay na naisakatuparan niya noon sa Mandaluyong para sa mahigit 7,700 pamilya.

house property pabahay istock
Affordable homes for Filipinos.

Iminumungkahi rin niya ang pag-amyenda sa Local Government Code upang mas tumugma ang mga tungkulin ng barangay, lungsod, munisipyo, probinsya, at pambansang pamahalaan sa kasalukuyang kalagayan.

Kabilang pa sa kanyang adbokasiya ang pagsasabatas ng gratuity pay at iba pang insentibo para sa mga job order at service contractual workers, gayundin ang pagtataas ng income tax exemption para sa mas maaliwalas na pamumuhay ng mga karaniwang Pilipino.

Mensahe para sa mga bumuboto

Simpleng oras lamang ang hinihingi ni  Abalos, hindi para magpasikat, kundi para maipakilala ang isang uri ng serbisyo na nakaugat sa karanasan, malasakit, at pagkilos.

“Mas lalo pong tumitindi ang pagnanais kong mapaglingkuran kayo sa Senado,” wika niya. “Mahirap man ang trabaho, nakahanda po akong gawin ito para sa inyo. Kayo ang magsisilbing lakas at inspirasyon ko.”

“Samahan niyo po ako patungo sa ating tagumpay,” hiling niya. “Ako po si Benhur Abalos, number one po sa balota. Solid po sa Senado. Maraming maraming salamat po.”

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button