Latest NewsNewsTFT News

FAQs: Magagamit ko ba ang online contract verification sakaling nauna ang flight ko kumpara sa release ng dokumento ko sa Dubai?

Q: Makakapagpa-verify pa din ba ako ng kontrata online sakaling nauna ang flight ko kumpara sa release ng dokumento ko sa Dubai?

A: Mayroon po siyang tatlong options.

Ang una ay maaari pa ring ituloy ang online contract verification. Sakaling approved ang inyong application, maaari kayong mag-issue ng Authorization para ang inyong authorized representative ang pumunta at magbayad sa POLO-Dubai para makuha ang inyong verified contract.

Matapos nito ay maaaring i-scan ito ng inyong authorized representative at ipakita sa immigration pagbabalik na kayo sa Dubai.

RELATED STORY: POLO Dubai to begin online contract verification from August 1: Here’s all we know

Option 2 naman po ay maaari kayong kumiha ng online appointment para sadyain ang POLO in-person. Dalhin lamang ang lahat ng mga requirements.

At ang huling option po ay bumisita sa POLO Dubai isang araw bago ang inyong flight, o sa Biyernes para sa mga may flight ng Sabado, Linggo, o Lunes. Magdala lamang ng lahat ng mga requirements kasama ang kopya ng inyong confirmed flight ticket.

Narito ang listahan ng mga requirements na inyong kailangang isumite online o dalhin sakaling inperson or walk-in ang inyong proseso.

– Valid Employment Contract (Must have complete pages, a new contract is issued each time your visa is renewed)
– Clear copy of valid passport
– Clear Copy of valid visa
> Visa stamp for visas issued before April 11, 2022
> Or back and front copy of your Emirates ID if it is issued after April 11, 2022

– One additional proof of employment. Any of the following will be accepted:
> Certificate of Employment with signature and stamp of company issued within the last 30 days; OR
> Valid labor card; OR
. Valid company ID; OR
> Recent pay slips (last three months) with company signature & stamp; OR
> New Emirates ID (pink card) that shows your designation and company/sponsor name

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button