Latest NewsNewsTFT News

Farmers say Marcos’s proposal to reduce price of rice to PhP20/kilo as impossible feat

A farmers’ group said Monday that it was not possible to reduce the prices of rice to P20 per kilo after president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr earlier said he plans to bring down the price of rice to PhP20 to PhP 30 per kilo.

“Sa balangkas at sa umiiral na batas na Rice Tariffication o Rice Liberalization Law imposible,” said Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairman emeritus Rafael “Ka Paeng” Mariano.

“Yung PhP20 per kilo sa balangkas ng mga patakarang neoliberal tulad ng umiiral na mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon… imposibleng makamit,” he added.

Mariano stressed that the government must provide subsidies to lower the price of rice.

RELATED STORY: Marcos Jr camp wasn’t expecting 31M votes: Spokesman

“Ia-address mo yung presyo ng farm inputs eh. Meron kang subsidiya doon sa farm inputs–binhi, abono, at iba pa. At dapat ang farmgate price, ang presyo ng palay sa bukid, ‘pag inani ng magsasaka, eh yung competitive naman.”

“Ibig sabihin, sabi ko nga, kung mapapababa yung cost to produce 1 kg of palay sa P6, P8 katulad sa Thailand at Vietnam, ibenta man nang–kunin ‘man yon ng P16, so meron na agad P8…na pwedeng dagdag sa kita ng magsasaka natin,” he said.

Mariano said the government should work towards making the Philippines self-sufficient in food.

“Kailangan ang patakaran mo talaga ay itaguyod yung patakaran natin, patakaran sa food self-sufficiency, yun bang patakaran sa pag-asa sa sariling kasapatan sa pagkain.”

READ ON: BBM-SARA wins in vote-rich UAE

“Ibig sabihin noon, pagpapalakas nung ating lokal na produksyon ng palay, para makamit yung talagang matatag at sustenableng seguridad sa pagkain para sa bawat mamamayang Pilipino.”

“Hindi lang ‘to naka-address sa executive department. Naka-address din po ito sa legislative department, yung bubuo ng 19th Congress, kailangan pong mabago yung mga umiiral na patakaran natin sa pagkain at agrikultura sa bansa.”

“Alam po ninyo napakahalaga ng sektor ng agrikultura, dapat tratuhin bilang mahalagang industriya. ‘Pag sinabi po nating mahalagang industriya, hindi lang po yung crop sector… kasama po diyan ang livestock, poultry, and fisheries kasi po kailangan natin tratuhin yung sektor at industriyang agrikultura natin bilang mahalagang base o pundasyon ng ating pambansang ekonomiya.”

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button