Editor's ChoiceLatest News

WATCH: PHP500,000 na gastos para makauwi ang isang stranded Pinoy sa Dubai

Halos kahalating milyong piso ang nagastos ng isang organisasyon para mapauwi ang isa nilang miyembro na na-stranded Dubai mula nitong Mayo.

Lumipad sa Dubai noong May 11 si Engr. Allan Alvarez, national president ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE), para dumalo sa kanilang conference.

Ang dapat sana’y anim na araw lang na pananatili doon, naging halos animnapung araw.

Nakauwi lang sya sa Pilipinas nitong July 6 at ngayon ay sumasailalim na sa 15-day mandatory quarantine.

May 15 noong unang ipatupad ng Pilipinas ang travel ban sa UAE at ilan pang mga bansa.

Ayon sa Pinoy engineer, sinubukan ng kanilang organisasyon na i-rebook ang kanyang ticket. Pero July na ang pinakamaagang flight noon na pwedeng makuha.

Dahil dito, napilitan silang kunan sya ng panibagong plane ticket. Pero kaakibat nito ang panibago na namang gastos.

Noong June 3 sana sya nakatakdang lumipad pabalik ng Pilipinas, pero nagbababa ng desisyon ang COVID-19 Inter-Agency Task Force na extended ang travel hanggang June 15.

Sa pagkakataong ito, naghanap na sila Allan ng ibang ruta.

Mula June 3, naglagi ang Pinoy engineer sa Armenia. Kinailangan nyang manatili doon sa loob ng 15 araw para payagan syang makapasok sa Pilipinas.

Tatlong mga bansa ang dinaanan ni Allan bago nakauwi. Sinuong ni Allan ang pagod at puyat sa mahabang byahe na inabot ng halos tatlong araw. Malaking oras ang ginunugol nya sa paghihintay sa loob ng mga airport ng Armenia, UAE at Singapore.

Ganito rin ang nangyari sa isang stranded Pinoy executive sa Dubai na nakapanayaman ng The Filipino Times.

Aniya, sa loob ng 50 araw na pagkakastranded nya doon, bumibilang na ng mahigit isang milyong piso ang kanyang gastos. Katumbas na ito ng halaga ng isang bagong sasakyan.

Malaki ang pasasalamat ni Allan dahil nag-bayanihan ang mga miyembro ng IIEE. Gayunman, batid nyang maraming stranded na Pinoy sa UAE ang umaaray na dahil sa laki ng gastos sa visa fines.

Para sa mga returning overseas Filipinos (hindi OFW), hindi sagot ng pamahalaan ang swab test na aabot sa PHP3,500 hanggang PHP4,000. Sa sariling bulsa rin nila huhugutin ang bayad sa hotel quarantine facility.

Sa kaso ni Allan, gagastos sya ng PHP2,000 kada araw o PHP30,000 para sa kanyang 15-day quarantine.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button