Latest NewsNewsTFT News

WATCH: Batang nahulog mula sa 12th floor, nailigtas ng isang delivery driver sa Vietnam

Nailigtas ng delivery driver na si Nguyen Ngoc Manh (kanang litrato) ang dalawang taong gulang na batang nahulog mula sa ika-12 palapag. Screengrab at litrato mula sa Vietnam Times.

Isang dalawang taong gulang na bata ang muntik nang mamatay matapos malaglag mula sa balkonahe ng ika-12 palapag ng isang gusali sa Vietnam.

Nailigtas ang bata ng isang delivery driver na si Nguyen Ngoc Manh nang maganap ang insidente nitong Linggo, ika-28 ng Pebrero dakong 5:00 ng hapon.

Ani Manh, may narinig daw siyang mga sumisigaw na mga babae at isang umiiyak na bata. Nang lumabas siya sa sasakyan ay nakita niyang nakabitin na ang bata mula sa balkonahe, ayon sa ulat mula sa Vietnam Times.

Agad inakyat ng lalaki ang isang 2-metro na bubong para para masalo at mailigtas ang bata sakaling mahulog.

Matapos ang ilang sandali ay nahulog nga ang bata at nasalo ito ni Manh.

“Buti na lamang at nasalo ko sa aking kandungan ang bata. Niyapos ko siya at nagulat ako nang makita ko ang dugo sa bibig niya,” ani Manh.

Agad naman sinugod sa pinakamalpit na ospital ang bata, habang nagkaroon ng slight sprain si Manh.

Ayon sa inisyal na report ng ospital ay may bali sa braso at binti ang bata, pero ligtas na at stable ang kanyang kalusugan.

Pinuri naman ng mga residente sa Vietnam ang pagliligtas na ginawa ni Manh. Pero ayaw daw niyang tinatawag siyang ‘hero’ o bayani dahil naniniwala siyang sinumang tao ang nasa posisyon niya ay gagawin din ang lahat para mailigtas ang bata.

“Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang bayani, gusto ko lang gumawa ng kabutihan,” ani Manh sa isang report mula sa VNExpress.

Panoorin ang video dito:

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button