Bulto-bultong dami ng mga peke na medical masks ang kinumpiska ng Dubai Economy matapos sa isinagawang raid sa isang ilegal na warehouse na pinamamahalaan ng isang shipping company sa Ras Al Khor sa Dubai.
Ayon kay Ibrahim Behzad, Director ng Intellectual Property Rights Department ng Dubai Economy, isinagawa ang inspeksyon upang masiguro kung nasunod ba ang consumer rights.
RELATED STORY: Businessman na nagpamudmud ng pekeng pera, pinakulong at pinagmumulta ng AED200,000
Nasa milyon-milyong dami ng mga medical masks ang ni-repackage upang magmukha itong branded para maibenta sa local market.
Libu-libong piraso ng cloth masks ang nakumpiska sa nasabing inspeksiyon.
READ ON: Pekeng sigarilyong aabot sa Php30M, nasabat ng Customs sa Pilipinas
Nagsasagawa ng inventory ang mga opisyales ng Dubai Economic sa mga nakumpiska na mga masks.
Ipinasara ng mga otoridad ang warehouse at tinitignan din ang mga karampatang mga parusa at multa para sa kumpanya. (ES)