Latest NewsNewsTFT News

Businessman na nagpamudmud ng pekeng pera, pinakulong at pinagmumulta ng AED200,000

Isang businessman sa Dubai ang pinatawan ng parusang pagkakakulong at multa na AED200,000 matapos siyang magpamudmod ng pekeng Euro notes sa Al Quoz industrial area.

Naging viral ang nangyari matapos nagpakuha ng video ay inupload ito sa social media.

RELATED STORY: Three African gang members nabbed for selling fake $25 million in Dubai

Ayon sa Dubai Court of First Instance, ginawa ito ng businessman upang makakuha ng maraming followers sa Instagram.

Mga trabahante ang nagkandarapa na makuha at makolekta ang pinamudmud na pera.

Ayon sa lalaki, ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang masaganang pamumuhay.

READ ON: Four men on trial for selling fake money to Dubai police

Matapos siyang maaresto, inamin niya sa otoridad na nakakuha siya ng $740,000 na pekeng US dollars. Ito ay bukod pa sa pag-amin na nakabili din siya ng mga Euro bills mula sa isang Asyano sa halagang AED1,000.

Nahuli at nakulong din ang Asyano matapos siyang maaktohan na nagbebenta ng pekeng pera sa isang undercover na pulis. (ES)

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button