Latest NewsNewsTFT News

IKEA building sa Pasay ipinasilip

Photo by Georgo Calvelo via ABS-CBN News

Hindi pa man pormal na nagbubukas, ipinasilip na ang itinatayong building ng IKEA sa lungsod ng Pasay.

Sa larawan na mula sa ABS-CBN News, makikita ang signature na asul na kulay ng gusali at ang logo ng furniture company.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, itinatayo ng IKEA sa banda ang pinakamalaki nilang tindahan na mag sukat na 65,000 metro kwadrado o katumbas ng 150 na mga basketball courts sa Mall of Asia complex.

Tinatayang magbubukas ito sa ikatlo o ikaapat na quarter ngayong taon.

Sa kanilang nauna nang pahayag, nasa 496 na mga manggagawa ang layon ng kumpanya na mabigyan ng trabaho.

Bilang bahagi nga ng kanilang recruitment drive, nasa 20 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa mga IKEA stores abroad lalong-lalo na sa Middle East ang kanilang dadalhin papauwi ng Pilipinas.

Samantala, excited na din ang ibang mga Pilipino sa pagbubukas nito.

Ang Facebook page nga ng Swedish furniture company na kahit ay wala pang masyadong post at umabot na sa mahigit 30 million ang likes.

“Come 2021, we will open an IKEA store in Pasay City to give millions of Filipinos east access to a wide ranger of well-designed, functional home furnishing products at prices so low almost everyone will be able to afford them,” ani nito sa kanilang website.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button