Latest NewsLifestyleNewsTFT News

Oral recitation na ala-’Birdbox’ ang tema, patok sa mga mag-aaral sa Agusan del Sur

Photo credit: Facebook/Michelle Tanya Fiametta Caritativo 

Nakapiring sa oral recitation.

Ito ang naging paandar ng isang guro na si Kerwin Membrado mula Agusan del Sur upang makita niya ang performance ng kaniyang mga mag-aaral habang isinasaulo ang Philippine Professional Standards for Teachers (PPST).

Sa panayam sa kanya sa Coconuts Manila, naging inspirasyon ni Membrado ang pelikulang “Birdbox”, na pinagbidahan ng aktres na si Sandra Bullock.

Tungkol ito sa isang ina at ang kaniyang mga anak na naghahanap ng matutuluyan habang nakapiring ang kanilang mga mata upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa isang misteryosong pwersa.

Sinabi ng 22-taong-gulang na guro ito na napanood niya ang pelikula noong Lunes at ginaya ang pamamaraan na ito sa kanyang mga mag-aaral sa Saint Francis Xavier College.

Bagama’t nagulat ang mga ito sa kakaibang paraan ng oral recitation ay matagumpay naman ito na nagawa ng mga mag-aaral, ayon kay Membrado.

Payo niya sa mga guro na maging malikhain sa kanilang mga ihahatid na aralin upang ma-engganyo din ang mga mag-aaral na lumahok.

Dagdag ni Membrado na plano niyang gawin ang pamamaraan na ito sa hinaharap. (ES)

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button
Close