FeatureLatest News

FAQs: Paano po mas mapapabilis ang pagproseso ng dokumento pagpunta ko sa Embahada?

TANONG: Paano po mas mapapabilis ang pagproseso ng dokumento pagpunta ko sa Embahada?

SAGOT:

Una po ay kailangan muna po kayong magset ng inyong appointment sa embahada depende sa inyong pangangailangan.

Passport appointments: https://auhpe.checkappointments.com/

Para po ito sa mga nangangailangang magpa-renew ng passport o di kaya’y kumuha ng passport para sa kanilang bagong silang na anak.

Civil Registry: [email protected]

Ito naman po ay para sa mga nag nanais makakuha ng dokumento para sa kanilang birth certificate, birth certificate ng kanilang bagong silang na anak, pagpo-proseso ng kanilang kasal, at death certificate para sa kamag-anak.

Notary / Authentication Services: [email protected]

Ito naman po ay para sa mga sumusunod:

– Special Power of Attorney o SPA;
– Affidavit (Affidavit of Support and Guarantee, Affidavit for Loss of Passport, at iba pa)
– Certification (Certificate of Equivalency for College, Certificate of Equivalency for PRC. at iba pa)
– No Objection Certificate (NOC)
– Authentication (DFA authentication of birth, marriage, school records at iba pa)
– Attestation (UAE Ministry of Foreign Affairs for Trade License, School Records, Salary Certificate, Employment Certificate, at iba pa)

Narito ang ilan sa mga tips na dapat tandaan kung kayo’y mag po-proseso ng inyong dokumento:

Sa pag-renew ng pasaporte:

Siguraduhing tama ang lahat ng info sa application form tulad ng: Pangalan, Araw, Lugar ng Kapanganakan, Contact Info sa Pilipinas at sa UAE

Sa pagrehistro ng kapanganakan:

Siguraduhing kumpleto ang ina ng sanggol: First Name, Middle Name at Surname

Sa pagkuha ng SPA (Special Power of Attorney):

Magdala ng kopya ng I.D. ng taong nais bigyan ng SPA

Panoorin ang buong video dito:

Security Check Required

null

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button
Close