Feature

An open letter of an OFW mother to his son, part 2

Dear Mama,

I miss you na!

Excited na po ako sa sapatos ko. Thank you po in advance, pati sa relo.

Nagpupunta po kami ng mga kaklase ko sa bahay ni Janine. Nandun lang naman kami pagtapos ng school. May Xbox kasi sya. Ang ganda, mama! Naglalaro kami ng mga barilan ng zombie don!

Naalala mo si Mark? Sila na ni Angeline.

Hindi po namin pinapabayaan si Papa. Nakikinig naman po sya sa amin ni Baneng. Hindi na nga rin po sya umiinom ng alak.

Ganon pa rin naman si Papa. Mahilig pa rin manood ng basketbol. Tumataya pa rin sya sa lotto. Para daw pag nanalo sya, makakauwi ka na. At susunduin ka pa raw nya diyan!

Mama, wag po kayong mag-alala sa amin ni Baneng. Puro naman babae mga kaibigan nya. Pag nanood ng basketbol si papa, palagi syang nakikinood. Ang iksi na po ng buhok ni Baneng. Ayaw nga po nyang magpost ng pic sa facebook nya dahil baka daw magalit kayo. Para syang lalaki kumilos ‘ma. Minsan naiinis na nga ako eh, mas pa-macho pa sa akin.

Mama, wag po sana kayong magagalit ha? Pero… may bumagsak po akong isang subject. Yung Statistics ko po. Atsaka po yung PE ko, hindi ko na napasukan kasi napilayan ako sa paglundag ko sa volleyball namin. Bale, dalawang subjects po yung kailangan ko balikan.

Screen Shot 2018 12 05 at 2.52.51 PM

Pwede ko naman daw kunin yon sa summer. Ekstrang 6 thousand nga lang po. Kailangan ko daw kunin yon ngayong summer para makasabay pa ko sa mga kaklase ko mag-martsa.

Ingat po kayo dyan, mama. I love you sooo much!

Sana po next year, makauwi kayo. Kahit hindi pasko, magpa-pasko tayo basta umuwi kayo.

Love,
Jerry boy

Related Articles

Back to top button