Feature

An open letter of an OFW mother in Dubai to her son

Dear Jerry,

Kamusta ka na anak? Miss mo na ba si Mama?

Miss na miss na kita Jerry boy! Pag nagigising ako sa umaga, walang nagtitimpla ng kape ko kundi ako lang. Tandang-tanda ko ang lasa ng timpla mo sa kape ko. Tamang-tama lang ang agaw ng pait at tamis.

Wag kang mag-alaala. Hindi ko nakakalimutan ang mga bilin mo sa akin. Ang matagal mo nang hinihiling na black and white na Airmax, malapit ko nang mabili. Tignan mo nga sa picture kung ito yung hahanapin ko?

Nike Air Max 95 and Vapormax 95

Konting raket na lang sa trabaho para mapa-bilis. Yung isang day off ko pinang-titinda ko na lang ng suman-kutsinta sa Deira para maisabay ko na rin yung gusto mong grey na G-shock. Ito ba yon,’nak?

Casio GW 9000

Gusto ko kasi masaya ka sa isusuot mo. Gusto ko maalala mo ako pag gamit mo ang relo na yon. Higit sa lahat, gusto ko masiyahan ka sa ipapadala ko. Gusto ko lang masaya ka, anak.

Buti na lang at maraming Pinoy don sa Deira, lalo na sa gabi. Pero ingat din ako magtinda, palihim lang ang pagbebenta. Mas okay na yung magtinda ng ganito, kesa naman mangutang sa sharkloaner. Yung kasamahan ko dito, kulong na ng isang buwan, made-deport pa pagtapos ng sentensya nya. Kaya magtinda na lang ako.

Sayang, di na tayo makapag-skype. Bawal na kasi dito ang mga ganyan. Sabagay, naiingayan na din ang mga kasamahan ko sa flat. Palibhasa, kurtina lang ang pagitan.

Pasensya na kayo ng kapatid mo kung hindi ako makaka-uwi ngayong Pasko. Pinaghahandaan ko kasi ang pang-matrikula ninyo next year. Pagka-graduate mo, kailangan may naihanda na akong pang-enrol mo sa kolehiyo. Mabuti na nga lang at maayos na ang sugar ng papa mo.

Huwag nyong papabayaan si Papa. Lagi nyong bantayan ang kinakain nya. Huwag na ‘wag ninyo syang papainumin ng sopdrinks.

Miss na miss ko na nga rin ang papa nyo. Nung isang araw, nagka-trangkaso ako. Naalala ko tuloy yung masarap na luto nyang sopas. Walang ganong sopas dito, ‘nak. Kahit ma-destino ako saan man sa mundo, hinding-hindi ko matitikman ang sopas na gaya ng luto ng tatay mo.

Pagbutihin mo sana ang pag-aaral mo anak, at lahat ay gagawin ko para matulungan kitang makatapos at maabot ang mga pangarap mo. Ang hiling ko lang, sana bawas-bawasan mo ang pakikipag-barkada mo. Palagi ka raw ginagabi ng uwi. Saan ka ba nagpupunta?

(Subaybayan)

Related Articles

Back to top button