Nais munang i-enjoy ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres ang kangang single life.
Ito ang naging sagot niya sa isang panayam sa kanya ng GMA.
Gusto ni Torres na pagtuonan ang panahon sa sarili, trabaho, pamilya at mga kaibigan niya.
RELATED STORY: Derek Ramsay, Ellen Adarna confirm their relationship
May pinaghahandaan ngayon ang aktres lalo na’t may bago ito na teleserye sa GMA 7 na ang “Legal Wives”.
Kabaligtaran naman ang moving on na pamamaraan ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay na agad nakakita ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Ellen Adarna.
Nangyari ang hiwalayan ni Ramsay at Torres noong Nobyembre 2020 makalipas ang ilang buwang relasyon.
READ ON: Derek Ramsay denies Andrea Torres is ‘clingy’
Samantala, gaganap si Torres bilang isa sa mga asawa ng bida na si Dennis Trillo.
Makakasama niya sina Cherie Gil, Alice Dixson at Bianca Umali. (ES)