News

OFW sells camote amid swirling sandstorm

Many overseas Filipino workers (OFWs) would go out of their way to earn some extra cash. Some families in the Philippines, however, fail to recognize and value their hard-earned money.

An OFW in Sulaymaniyah in Iraqi Kurdistan shared her encounter with a fellow Filipina who sells ‘kamote’ amid swirling sandstorm.

The encounter made her realize the sacrifices of Filipinos overseas to make ends meet for their families back home.

“Suman at malagkit inaalok nya para sa mga kabayan natin, marahil ay kakarampot na kita para sa iba pero para kay ate malaking tulong ang benta nya, siguro pandagdag nang gastusin o pampadala sa pamilya o kung anu man di ko alam, basta ang alam ko saludo ako sa katulad ni ate,” the OFW says.

“Sa kabila nang init at kapal nang alikabok at sa bansang dayuhan ay napakasipag nya… Hindi po mayayaman ang mga OFW. Karamihan sa amin pinapasok kahit na anong sideline makadagdag lang sa kita at para maibigay ang mga pangagailangan ninyo sa Pilipinas,” the OFW adds.

“Katumbas nang bawat sentimong pinapadala namin,” the OFW says, “ay ang katotohanan na madalas wala na sa tamang oras ang pagkain namin sa araw-araw, madalas kulang kami sa tulog kakaisip nang kung anu-anung solusyon para matupad namin ang mga pangarap namin para sa inyo. Nawalan na din kami nang hiya dahil kahit ano gagawin namin maibigay lang namin ang mga gusto nyo.”

These sacrifices are often overlooked by OFW families in the Philippines who fail to realize the weight of being away from the family and the physical toll taking on extra job takes on OFWs.

“Simple lang ang hiling ng isang OFW – sana maisip nyo din kami, sana sa mga simpleng paraan maalala nyo din kami. At sana maintindihan nyo din kami pag kulang ang nabibigay namin,” the OFW explains.

“Malungkot dito, mainit. Pero para sa inyo, magtitiis kami.”

Read the full Facebook post below:

PARA PO SA MGA OFW NA NAKIKIPAGSAPALARAN SA MALAYUNG LUGAR PARA MAY GINHAWA NA MAIBIBIGAY SA PAMILYA SA PINAS 1f62d?

Kanina kumain ako sa Jollibee sa may Sulaymaniah at nakita ko si ate. Sa kalagitnaan nang sandstorm. Ang kapal nang alikabok pero ang tibay ni ate at ang tyaga nya.

Ate: Kabayan bili kana, masarap to.
Me: kamote po yan? Sige po mamaya paglabas ko po order lang ako sa loob.

Paglabas ko nawala si ate.tapos pumunta ako sa Tinapayan andun pala si ate lumipat sya nang pwesto.

Me: ate pabili isa.
Ate: Salamat sir, sana maubos na ito para makauwi na.
Me: deep inside(1f614?1f622?1f62d?1f494?)

Suman at malagkit inaalok nya para sa mga kabayan natin, marahil ay kakarampot na kita para sa iba pero para kay ate malaking tulong ang benta nya, siguro pandagdag nang gastusin o pampadala sa pamilya o kung anu man di ko alam, basta ang alam ko saludo ako sa katulad ni ate. Sa kabila nang init at kapal nang alikabok at sa bansang dayuhan ay napakasipag nya,
At sa mga kabayan natin na bumibili sa kanya, malaking tulong yun para kay ate. Maraming salamat.

Para sa mga kamag-anak namin sa Pilipinas…,

Hindi po mayayaman ang mga ofw. Karamihan sa amin pinapasok kahit na anung sideline makadagdag lang nang kita at para maibigay ang mga pangagailangan ninyo sa pilipinas. Katumbas nang bawat sentimong pinapadala namin ay ang katotohanan na madalas wala na sa tamang oras ang pagkain namin sa araw-araw, madalas kulang kami sa tulog kakaisip nang kung anu-anung solusyon para matupad namin ang mga pangarap namin para sa inyo. Nawalan nadin kami nang hiya dahil kahit anu gagawin namin maibigay lang namin ang mga gusto nyo.

Simple lang ang hiling nang isang OFW. Sana maisip nyo din kami, sana sa mga simpleng paraan maalala nyo din kami. At sana maintindihan nyo din kami pag kulang ang nabibigay namin. Malayo kami sa inyo, pero araw-araw sa kabila nang pagod at hirap isa lang ang dalangin namin, na sana maging maayos kayo na nanjan sa Pilipinas kahit kami dito madalas ay nahihirapan na. Malungkot dito, mainit, pero para sa inyo, magtitiis kami……

Salamat ate sa masarap na kamoteng minatamis at sa inspirasyon. 2764❤️
ccttoo

Related Articles

Back to top button