EDITOR’S CHOICEFeature

Once upon a time in Satwa

ME: (While walking headed to Baqer Mohebi Supermarket with 2 friends and seeing Kuya pushing a trolley full of belongings) Kabayan anu yan- lipat bahay ka ba?

KUYA: Oo eh. palagi kasing may nag-iinuman dun sa tinitirhan ko. Minsan di makaiwas kapag niyayaya. Eh nagka trouble so baka madamay pa ako; iwas na lang. Kawawa pamilya ko kapag may masamang nangyari.

ME: Bakit di ka kumuha ng isang maliit na pick-up para di ka na pabalik-balik?

KUYA: Ah, ito lang naman gamit ko. Sayang pa ibabayad ko sa pick-up. Eto nga di pa ko nakakain man lang, kasi naipadala ko agad ang buong sweldo ko; eh di naman akalain na makakalipat pala ako ngayon agad-agad. So. kailangan ng down sa bahay at kalahating buwang deposit. Kakasahod ko lang manghihiram na ulit ako. Ganun talaga eh. Mabuti pa nga kayo masaya habang naglalakad. Ako nag-iisip kung papaano.

ME: Ah, kabayan. Nagtatawanan kami kasi kailangan namin lumakad ng malayu para pumunta sa Baquer . Alam mo na… Dh1 dirham na asin, murang mantika at sabon, sale na bigas at asukal…mumurahing kape at baka may papa-expire na gatas. Eh, kaya kami nagtatawanan, kasi tumataba kami sa papa-expire na binibili namin sa Baqer.

KUYA: Ah oo nga, hahaha… ganyan din kami dun sa villa. Akala nila sa atin masarap bukay dito ano?

ME: Ah, kabayan, kaming tatlo may mga anak na pinapag aral sa Pinas. Isipin mo na lang kaya natin ang hamon ng buhay sa Dubai. Ito ngang kasama ko papauwi na kasi maysakit na sya. Sana di kanser. Di pa kasi na check ng doktor. Saka ina-akay namin at malabo na mata. Pero masaya kaming binabagtas ang daan ng buhay.

O sige kabayan , katulad ng kariton mong isinusulong, isulong mo din ang buhay sa matuwid na daan. Pasasaan ba at makakauwi din tayo para magpahinga.

KUYA: O sige, ingat kayo.

pic 1
Ate Cora Tarcena (Middle) with her friends

Related Articles

Back to top button