President Bongbong Marcos said that his state visit to China last week will create more jobs for Filipinos.
In a recent Youtube vlog, Marcos recalled his historic visit to China in 1974.
“Hanggang ngayon, so many years later, mag-50 years na, hindi ko pa rin makalimutan, hindi pa rin ako makapaniwala na nandun ako. Nakita ko si Chairman Mao Zedong.. Sabi ko, napakaswerte mo naman masyado, bata. At itong napakalaking bagay sa gitna ng Pilipinas at China ay nasama ako,” Marcos said.
“Halos 50 taon ang nakalilipas nung unang binuksan ng China ang kanilang pintuan para sa pakikipagkaibigan sa ating bansa. Naging bahagi ako kahit papaano ng makasaysayang pangyayaring yan,” he added.
Marcos said that China is an important partner in the region.
“Kahit hindi sila kasama sa ASEAN, tinuturing nating mahalagang kapitbahay ang China dito sa Asia,” Marcos said.
He also recalled some of the most important topics discussed by him and Chinese President Xi Jinping.
“As a matter of fact, yung mga meeting namin ay karamihan lumagpas sa oras. Sinabi ko sayang naman nandito na ako. Kailangan lahat ng ating kailangang mapag-usapan ay pag-uusapan. At si President Xi ay sabi niya talagang lahat ng kailangang pag-usapan tapusin natin ngayon para ang ating mga ministers ay alam na nila ang gagawin nila sa utos nating dalawa,” he said.
Both countries signed 14 memorandum of agreements.
“Ito ang mga kasunduan na direktang makakapagdala ng mas maraming kita para sa ating bansa, at mas maraming trabaho para sa ating mga kababayan. Ito ay mga kasunduang aalalay sa atin at sa mga gusto nating marating sa mga susunod na taon,” he added.
“Mula sa COVID response/bakuna, pagpapadala ng tulong sa trahedya at sakuna, ang mga public-private partnerships sa larangan ng konstruktura, mga bagong kaalaman sa agri at teknolohiya — malayo pa ang mararating ng ating magandang pakikipag ugnayan sa bansang China. Lalo na ngayon na sabay-sabay tayong bumabangon mula sa pandemya,” Marcos continued.