Malaki ang posibilidad na magkaroon ng isang sistema sa UAE na mas magpapadali sa pagbyahe ng mga pasahero ng eroplano.
Ayon kay Adel Al Rehda, chief operating officer ng Emirates airline, binubuo na ngayon ang isang kasunduhan sa pagitan nila at ng Dubai Health Authority (DHA) para sa sistemang ito.
Plano sa kasunduan na mabigyan ng DHA ang Emirates ng digital system ng mga pangalan ng pasahero mula sa Dubai na nabakunahan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.
Sa paraang ito, hindi na kakailanganin pang hingan ng PCR test ang mga pasahero bago ang kanilang byahe at posibleng hindi na rin dumaan sa quarantine.
Bagama’t ang lahat ng ito ay dadaan pa sa tamang proseso tulad ng pagsusuri ng mga eksperto at kailangan ding aprubahan ng gobyerno ng UAE, ayon kay Al Rheda.
Gayunman, inaasahan nilang maisasakatuparan ang sistemang ito sa lalong madaling panahon.
Layon din aniya ng DHA at ng airline na lumawak ang sistemang ito sa lahat ng emirate.
“I can’t speak on any UAE ruling, but I think instead of [vaccination passports being] mandatory, there will be an easing of certain criteria for people who are vaccinated,” saad ni Al Rheda sa report ng DubaiEye.
“There will be less obstacles for those passengers who have taken the vaccination against those who have not.
Dagdag pa nya, inasahan nilang ipapatupad din ang sistema ito sa buong mundo sa mga darating na panahon.