TANONG: Mapapaso na ang visa ko at nandito pa ako sa UAE, ano ang pwede kong gawin?
SAGOT:
Payo ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi at maging ng konsulado sa Dubai na sumangguni sa mga kinuukulan at sa mga immigration officers para malaman nila ang mga hakbang na maaari nilang gawin ukol sa validity ng kanilang mga visa sa UAE para maiwasang mag-overstay, o di kaya’y malabag ang batas ng UAE sa immigration.
RELATED STORY: Stay legal: Filipinos urged to update visa status in UAE
Narito ang ilan sa mga paraan, depende sa lugar kung saan ang inyong visa:
Dubai:
Maari kayong sumangguni sa kanilang website sa: https://gdrfad.gov.ae/en/form/contact-us
Maari din kayong tumawag sa kanilang 24/7 hotline sa: 800-5111
Abu Dhabi, Sharjah, Ajman, Umm Al Quwain, Ras Al Khaimah and Fujairah:
Maari kayong sumangguni sa kanilang website sa: https://cc.ica.gov.ae/Web/landing
Maari din kayong tumawag sa kanilang 24/7 hotline sa: 600522222
READ ON: FAQs: Pwede ba akong pumunta sa UAE mula sa Pilipinas sa ngayon?
Bukod dito ay maari din kayong magtanong sa iba’t ibang travel agency dito sa UAE para matulungan kayong mag visa change status o di kaya’y mag pa-extend ng validity ng inyong visa.
NOTE: Mabilis pong magbago ang mga kaganapan di lang sa Pilipinas, kungdi sa ibang bansa. Kaya mangyari pong mag-update lagi sa mga balita dito sa TFT o sa mga official government sites po ng Pilipinas o sa mga bansa kung saan kayo galing.