Feature

Dubai-based OFW’s open letter to her family amid VAT in UAE

Dear Tricia,

Musta kayo jan nak ni Bonz? I hope naging masaya kayo sa package ko. Sayang puro picture nalang ang nakita ko, ih. Sana nakapag-Skype tayo habang binubuksan nyo ang kahon gaya last year.

Wala eh, kahit Skyple na-block na rin dito. Bawal na kasi ang video call. Grabe yung inis at lungkot ko… pati mga Pinoy dito yan ang topic. Akala ko fake news kaya pala kahit ilang beses ko itry…ayaw naman.

Wag ng magtampo kung di tayo nagkita kahit sa Skype nung New Year. Kung may extra lang bumili ako nung sabi dito na palit daw sa Skype. Kaso mahal 600 pesos katumbas jan.

Itanong mo kay Bonz kung alam nya anong iinstall ko na app sa phone para makita ko kayo ulit lagi. I-research nyo nga pano. Di ako makalikot sa ganyan-ganyan. Sabi ni Bonz, FB Live daw di nyo naman ako makita. Kamo ‘wag syang magtampo kasi totoong bawal na talaga.

Hay! Juice ko Lord! Sabi nga ng mga kasamahan ko ditong Pinoy, “Ano nay, Dubai?! Ramdam kasi naming unti-unti na ring nagmamahal ang lahat… puso ko nalang ang hindi pa. Char! Hindi. Wala na ‘nak. Di na nagparamdam yung nanliligaw sa kin. Wala na talagang forever si Mama.

Tricia, tyaga lang be, ha… Lapit na kong umuwi. Mga bilihin kasi dito tumataas na. Yung sweldo ko nalang ang hindi. Yung amo namin makunat pa sa balat ng baka. Kung nabalitaan nyo jan, may VAT na rin dito parang jan sa Pinas.

Kaya ‘yung laptop na mong luma tsyagain mo na muna. Wag mo kasing katulugan at baka masunog na naman. Wala na akong ipangpapagawa jan. Kapos pa ‘nak talaga. Pinagkakasya ko nalang yung sweldo para makaaral kayo.

Naalala ko tuloy bigla yung utang ko sa flat nga pala. Laging nangungulit Paskong-pasko sumugod pa dito. Kaya kayo jan yung kuryente magtipid naman. Magkano yung sinend mo sa akin na bill? Malamig naman ata jan, wag nang buksan aircon o kaya magtabi na kayo ng kapatid mo. Buksan nyo lang kung tutulog na kayo. Yung ibabayad natin sa kuryente, pangbaon nyo na yun, ih. Magpartial payment na muna kayo. Basta ipapadala ko before 10 yung kalahati ng pambayad para wag lang maputulan.

O sya mag-aaral kayong mabuti. Sabihan mo si Bonz wag naman sinasagot sagot ng pabalang si tatay. Matanda na yan.

Lambing lang si mama ‘nak ha. Wag magbarkda. Yun lang gift mo sa akin OK na OK na ko.

Ang intindihan ay pag-aaral para matulungan na si mama para magkasama na tayo. Wag ninyong i-take for granted ni Bonz ‘yung mga natatamasa nyo ngayon. Appreciate nyo ‘nak lahat ng pagpapagod ko, pagiging malayo sa inyo. Miss ko na kayong dalawa… super ‘nak!

Love lots,
Mama

One Comment

Related Articles

Back to top button